Magnanakaw ng motor,inaresto sa Tondo

nakaw na motor

Nakita sa Tondo, Manila ang isang pinaghihinalaan na magnanakaw ng motor na nakaparada sa harap ng bahay dun sa Abad Santos.

Narito ang detalye galing sa ABS-CBN news.

MAYNILA – Natunton na ng mga pulis ang 38 anyos na lalaking suspek umano sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Tondo, Maynila Lunes.

Isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau ang biktima na nadiskubreng nawawala ang kanyang motorsiklo na ipinarada sa harap ng kanilang bahay sa Abad Santos Street.

Kaya agad siyang nagreport sa District Anti-Carnapping Unit ng Manila Police District na naglagay ng flash alarm sa motorsiklo.

Sa backtracking ng mga CCTV sa lugar, kita ang isang lalaking naka-pulang jacket at itim sa shorts na kinuha ang motor sa harap ng bahay ng biktima.

Nasundan ang suspek na minamaneho ito hanggang sa kanilang bahay kaya nalaman ang kanyang pagkakakilalanlan.

Narekober ang motorsiklo na kinilala rin ng biktima.

Paglabag sa Anti-Carnapping Law ang kasong haharapin ng suspek.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/08/31/21/magnanakaw-umano-ng-motorsiklo-arestado-sa-tondo

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.