Boracay tourists, pinaiiwas sa algal bloom

boracay1

BORACAY ISLAND.  Nagpahayag ng pagkabahala ang isang researcher ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa patuloy na pagdami ng algal bloom sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ayon kay Raymond Jacinto Sucgang, researcher na tubong Batan, Aklan, taong 2012 nang nagsagawa siya ng pananaliksik kasama ang ilang eksperto at nang sumunod na taon ay ipinasuri niya sa Japan ang resulta ng pag-aaral.

Sinabi ni Sucgang na bagamat matindi ang algal bloom sa Boracay, wala pa ring aktuwal na pag-aaral na makatutukoy kung ligtas nga bang paliguan ang beach.

Makikita ang epekto ng algal bloom sa mga nasirang coral sa Boracay dahil sa polusyon, at sinasabing posible pang dumami ang algae dahil sa problema sa drainage at kakulangan ng septic tank sa isla.

Dahil dito, pinayuhan ni Sucgang ang mga turista na maligo sa mga bahagi ng beach na walang algal bloom.
Source: Balita galing sa BALITA