Binata, binaril sa mata habang tulog

SAN LUIS, Batangas – Nahaharap sa kasong pagpatay ang isang 41-anyos na lalaki matapos niya umanong barilin sa mata ang natutulog na anak ng kanyang kinakasama sa San Luis, Batangas.

Pinaghahanap pa ng mga awtoridad si Jimsie Galay, taga-Barangay Sta Monica sa naturang bayan.

Kinilala naman ang biktimang si Ernest John Agregado, 27, binata, residente rin sa nabanggit na lugar.

Ayon kay PO3 Nolly De Villa, dakong 5:00 ng hapon nitong Mayo 17 at natutulog ang biktima sa loob ng bahay nang barilin siya ng lasing na suspek.

Nabatid sa imbestigasyon na matagal nang hindi magkasundo ang biktima at suspek, lalo na kapag kapwa nasa impluwensiya ng alak ang mga ito.
Source: Balita galing sa BALITA