TUTULUNGAN KITA FOREVER Mayor Benhur Abalos

Tiniyak ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na walang patid ang ayuda sa mga batang may special needs o kapansanan kahit wala na siya sa katungkulan.

Sa bisa ng isang ordinansa, may laan ang pamahalaan ni Abalos ng pondo para sa Project TEACH (Therapy, Educaiton, and Assimilation of Children with Handicap) para sa mga batang may kapansanan na mula sa mahihirap na pamilya upang gumaling agad ang mga ito o maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay kasama na ang edukasyon. Anang magiting na mayor ng Mandaluyong, kinilala ng United Nations (UN) ang Project TEACH at tunay namang award-winning ito. Ani Abalos, mabisang gamot ang musika sa kahit na anong karamdaman. Dagdag pa niya, kinakalinga at pinagkakalooban ng physical at mental therapy ang naturang special children, tulad ng pag-rehabilitate ng motor skills, coordiantion at functional mobility ng batang may autism, cerebral palsy at may retardation. Mahalaga ang maagang intervention na magkakaagapay ang physical, occupational, at speech therapists at ang mga magulang upang unti-unting bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga batang may special needs. Mahigit sa 600 ang beneficiary ng Project TEACH kung saan 142 rito ang nasa mainstream o pumapasok na sa mga pampublikong paaralan. Marami nang pamahalaang lokal at maging ibang bansa ang nagnanais na tularan ang naturang programang ng Mandaluyong at umaasa si Abalos na gagawin itong padron sa buong mundo. Sana, tularan din ang kahusayan ni Mayor Abalos.
Source: Balita galing sa BALITA