Barbie Forteza, ayaw ng magarbong debut party

EIGHTEEN years old na si Barbie Forteza sa July 31, pero wala siyang balak na magkaroon ng debut party.’ ‘ Mas gusto raw niyang maging casual lamang sa araw na iyon.

Barbie Forteza

“Nag-request na “ko sa parents ko na gusto ko with my friends lamang, lalo na ang mga kasama ko sa long-running afternoon prime drama series naming The Half-Sisters,’? kuwento ni Barbie.’ “Overnight party, kainan lang, walang hard drinks, kuwentuhan, kasama sina Thea (Tolentino), Andre (Paras), Derrick (Monasterio), Buboy (Villar), Winwyn (Marquez) saka sina Tita Jean (Garcia), Tita Eula (Valdez), Tito Jomari (Yllana), Tito Ryan (Eigenmann), Tito Mel (Martinez).’ Sila po kasi ang halos araw-araw na kasama ko sa taping kaya dapat sila rin ang kasama ko sa birthday ko.’?

May wish ba si Barbie sa kanyang 18th’ birthday?

“Siguro po more sa pagpapasalamat.’ This week kasi, isiniselebreyt namin ang first anniversary ng The Half-Sisters na magtatapos sa isang grand fans day sa June 20, at 4:00 PM sa activity area ng Market, Market in Taguig City, na darating po ang buong cast members, bilang pasasalamat naming lahat sa mga sumusubaybay sa aming soap.

“Pasasalamat ko rin po sa Gawad Urian na nominated ako as Best Supporting Actress for my indie film na Marquina.’ Napatili po talaga ako nang sabihan nilang nominated ako, nag-isip ako agad kung totoo ba iyon. Ganoon ba kahusay ang pagkaganap ko roon bilang young Mylene Dizon, eh, napakahusay pong artista ni Ate Mylene.’ Kaya excited po ako na kinuha ako ng BG Productions to play the lead role sa indie film na Mga Isda sa Tuyong Lupa (Outcasts) at iri-research ko talaga ang totoong buhay ng mga Badjao, ang role na gagampanan ko.’?

“Sinabihan na rin ako ng GMA-7 na may susunod na kaming project na pagtatambalan muli namin ni Andre Paras, ang romantic-comedy na Dunk In Love.’ Nakakatuwa, kasi hindi pa nga tapos ang The Half Sisters, may naghihintay na sa aming susunod na gagawin.’?

Biniro tuloy si Barbie kung hindi ba nagiging “sila na’? ni Andre dahil more than a year nang halos araw-araw silang magkasama sa taping.

“Wala po namang ganoon dahil mga bata pa naman kami.’ ‘ Pero si Andre po, napakabait, hindi siya hard to please, hindi niya ipinipilit ang sarili sa barkada, nandoon lang siya, very supportive, lalo na sa akin sa mga eksena.’ Pareho kaming focused sa aming work. At ang nakatutuwa pa kay Andre,’ kasabay pa ng work ang studies niya.’?
Source: Balita galing sa BALITA

‘Where I am King’ Film Review

where i am king film review

where i am king film reviewHere’s a film review about a movie made in the settings of Tondo, Manila. A typical riches-to-rag story which I really want to see!  Here’s a snapshot of the review and please read the entire review by following the link below.

After a making a few investments gone wrong, self-made tycoon Ricardo (Robert Arevalo) finds himself at risk of plummeting from his pedestal back down to the poverty he came from. He decides to step down on his own accord before that can happen, selling all his properties save for his apartment complex in Tondo, the Manila slum he grew up in.

Worried that his privileged grandkids won’t be able to stomach the real world once he’s gone, Ricardo urges them to come tough it out with him in Tondo so that they can “grow balls,” as he puts it. What follows is a series of ridiculous encounters, from sticky bathroom situations to questionable street food practices, that show Ricardo just how much can change when you leave your kingdom unchecked.

“Where I Am King” is a both a family comedy and riches-to-rags story, lighthearted and moralizing all at once.

The film is the comeback for veteran Filipino director Carlos Siguion-Reyna after a 14-year absence from the industry. Like the plot, the movie itself was also a family affair, with Siguion-Reyna’s wife Bibeth Orteza as screenwriter, son Rafael Siguion-Reyna playing Ricardo’s grandson Ricky, and niece Cris Villonco playing Ricardo’s granddaughter Anna.

As an amusing production filled with Philippine showbiz royalty, the 2014 film stood to be a local favorite when it first debuted. It has since made the international rounds, showing at festivals like Toronto’s TIFF and now at the Seattle International Film Festival (SIFF).

“Where I Am King” is an odd gem among the SIFF foreign comedy offerings that’s worth watching, even if for the sole purpose of entertainment. Filled with slapstick humor, outlandish plot twists, and at times offensive jokes all typical of Filipino comedy, it’s not a movie for those seeking a highbrow viewing experience. However, for everybody else, “Where I Am King” will prove to be a satisfying story that never tries too hard yet still manages to tug at the heartstrings.

As grandkids Anna and Ricky spend time getting to know their new neighbors in the slum, they learn how resilient people can really be and start to see that resilience in themselves, just as grandpa planned.

Meanwhile, Ricardo is in for a rude awakening as he learns that the Tondo of today is much wilder than the one he grew up in. It’s an opportunity to grow for all three of them that highlights the importance of remembering your roots, an especially sentimental message for Filipino audiences around the world.

Filipinos and others alike can look forward to the largely positive and comedic portrayal of Tondo, a notoriously impoverished neighborhood that’s depicted in a gloomy way more often than not. By presenting the locals as multidimensional rather than merely depressing, the movie offers a slice of life that gives the story its charming character.

Source: The Daily of University of Washington

Dennis at Jennylyn, magtatambal sa teleserye

MATUTUPAD na ang matagal nang request ng fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na muli silang pagtambalin ng GMA-7, dahil ang dating magkasintahan ang bida sa bago at siguradong magiging kontrobersiya na serye ng Kapuso Network, ang My Faithful Husband.

JENNYLYN AT DENNIS

Maayos na ang relasyon ng dalawa at nababalitang nagkabalikan na kahit pareho silang iwas-pusoy kapag tinatanong. Nagkakasama pa sila sa workout at sa training ng triathlon, kaya walang dahilan para hindi sila pumayag na magsama sa isang teleserye.

Madalas din silang nakikitang magkasama, gaya nang manood sila kamakailan ng UFC Fight dito sa bansa. Nakita rin silang nagwo-workout, at kasama pa si Tom Rodriguez, pero hindi na-post ang picture nilang tatlo sa Instagram (IG), kaya hindi masyadong umingay. ‘ Tila iniiwasan nina Dennis at Jennylyn na makuhanan sila ng picture na magkasama.

May request lang uli ang DenJen fans nila. Sana raw ay hindi si Jennylyn ang gumanap sa asawa ni Dennis na manloloko sa karakter ng aktor, dahil gusto nilang sa ending ng teleserye ay ang dalawa ang magkatuluyan.

Anyway, mabuti at hindi agad sisimulan ang taping ng’ My Faithful Husband,’ dahil parehong busy sina Dennis at Jennylyn sa iba’t ibang proyekto. May dalawang pelikula pang tinatapos ang aktor at may isang sisimulan sa Viva Films.

Si Jennylyn naman ay bibiyahe papuntang New York para sa shooting ng pelikulang’ Pre-Nup’ ng Regal Entertainment. Katambal niya si Sam Milby sa nasabing movie.

Siguro naman, by July or August ay puwede na silang mag-taping ng’ My Faithful Husband.

Kailan kaya namin makakausap sina Dennis at Jennylyn o kahit isa lang sa kanila para matanong kung totoo ang tsikang nakita silang magkasama sa Hong Kong kamakailan?
Source: Balita galing sa BALITA

Dennis, magbibida sa isa na namang ‘cheating’ soap

Dennis Trillo

UNANG ginawa ni Dennis Trillo ang kontrobersiyal na bekiseryeng My Husband’s Lover na pareho silang beki ni Tom Rodriguez. Ngayong may bago na namang ginawang script si Suzette Doctolero, na siya ring sumulat ng isa pang kontrobersiyal story tungkol naman sa mga lesbian, ang The Rich Man’s Daughter, nag-post si Suzette sa Facebook tungkol sa excitement niya sa bago niyang obra. Continue reading »

Luis Manzano, ‘di sasabak sa pulitika

LUIS MANZANO

URONG-SULONG sa pagpasok sa pulitika si Luis Manzano. Kung dati ay malakas ang ugong na tatakbo siya bilang mayor ng Lipa City at may sitsit pa ngang siya ang kinukumbinsi ng mga taga-Batangas na humalili sa iiwanang posisyon ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Pero ang latest ay walang Luis Manzano na papasok sa pulitika.

Sabi ng source namin, mas bibigyan ng konsentrasyon ni Luis ang showbiz career at ang negosyo niya kaysa susundan ang yapak ng Star for All Seasons.

‘Mas pinakinggan ni Luis ang advice sa kanya ng amang si Edu Manzano,’ diretsahang banggit ng source namin.

From the same source, nalaman namin na malamang na ang pagiging congresswoman ang puntiryahin ni Governor Vi sa darating na eleksyon. Kahit isa siya sa mga nangunguna sa surveys for senatoriables ay ang pagiging kongresista raw sa isa sa mga distrito ng Batangas ang pipiliin ng actress/politician.
Source: Balita galing sa BALITA

Karapat-dapat palakpakan si Vice Ganda –Boy Abunda

Hindi ko feel ang mga patawa ni Vice dahil parang condescending and dating ng mga lines and delivery nya. Syempre opinion ko lang naman.. pero positive naman itong ulat galing sa Balita.

PANALUNG-PANALO ang pagpapakita ni Vice Ganda sa kanyang sarili na walang makeup at hair extensions sa It’s Showtime. Ito ang may paghangang reaksiyon ni Boy Abunda sa ginawa ni Vice nang dalawin namin siya sa studio ng Aquino & Abunda Tonight.

Vice Ganda

Para sa mga hindi nakapanood ng It’s Showtime last Tuesday, nagbigay kasi ng beauty advice si Vice Ganda sa isang studio participant na nagngangalang Pamela Reyes na madalas umanong sinasabihan ng pangit ng mga bully sa kanyang eskuwelahan. Umani ng mga papuri ang advice ni Vice na kailangang maging proud sa sarili ang sinuman anuman ang itsura na sinabayan ng pagtatanggal ng makeup, contact lens at hair extension.

Agad nag-trending sa social media ang hashtag na #ProudToBeMe, lalo na nang mag-post ng litrato sa Instagram si Vice na walang makeup.

Maraming netizens ang na-inspire at nag-post din ng kanilang litrato na walang filter at proud sa kanilang natural na ganda.

Narito ang ibinigay na payo ni Vice sa kanyang ‘Advice Ganda’ segment:

‘Hindi mo p’wedeng pilitin ang ibang tao na magandahan sila sa atin, pero tayo, ano man ang mangyari, dapat lagi tayong nagagandahan sa sarili natin. Kailangan laging mas makapangyarihan ang salitang sinasabi ng puso mo kaysa sa salita na sinasabi ng bibig ng ibang tao. Maganda ka kahit ano ka, kasi likha ka ng Diyos, kaya dapat hindi ka nagpapaapekto,’ ani Vice.

‘Kahit magaspang ang mukha ko, mataas ang hairline ko, maganda ako. Wala na akong itinatago. Hindi na ako natatakot at kahit ano ang sabihin niyo sa akin, hindi na ako mabibigla. Sabihin niyo, pangit ng buhok ko, alam ko. Pangit ng kutis ko, alam ko. Pero ‘yan ang lahat eh sa paningin niyo. Para sa akin, maganda ako. Maganda ako at maganda ka,’ sabi pa ng komedyante.

Ayon kay Kuya Boy, karapat-dapat na palakpakan nang husto si Vice sa ginawa niya.

Binanggit din ng King of Talk ang kanyang sariling beauty advice, sa totoong kagandahan at pagmamahal sa sarili.

Una niyang binanggit ang aniya’y ‘power of the word’. Dapat daw na pag-ingatan ang anumang ikokomento natin sa ibang tao. Dahil tuwing may lumabas na pangit na salita mula sa bibig natin ay siguradong makakasakit ng damdamin ng taong sinabihan.

‘Madalas din naman akong makatanggap noon ng mga salitang hindi katanggap-tanggap sa akin, tulad nang tawagin akong maliit o baluga. Pero kahit masakit, eh, may magagawa pa ba ako, nasabi na nila,’ sabi ni Kuya Boy.

Sunod na binanggit ni Kuya Boy ang ‘power of truth’. Aniya, lahat ng tao ay may kanya-kanyang unique story.

‘You are who you are. You’re beautiful,’ sabi niya.

At ang pagtanggap daw sa sarili ay isang journey.

‘It takes a lot of failures and victories for you to be able to have the kind of strength and character and courage to appreciate who you are,’ paliwanag ng isa sa pinakamatatagumpay na TV talk show host sa ating bansa.

Nakatanggap din ng mga panglalait si Boy Abunda at pati ang malaki niyang ilong pinansin at may mga nagpayo sa kanya na dapat ipaayos.

‘Bakit ko naman sila susundin? Gusto ko na itong ilong ko. It is the most beautiful nose because it is mine,’ napatawang banggit pa ng multi-awarded TV host.

Isa pang payo na maaari niyang ibigay kay Pamela ay ang ‘power to like yourself’. Nagulat daw si Boy Abunda kung bakit may mga nanunukso kay Pamela.

‘I don’t know why people or you don’t notice how beautiful your eyes are. I don’t know if you don’t notice that you have dimples and they are beautiful. I don’t know why people pick on your nose,’ payo pa ni Boy kay Pamela.

Panghuling binanggit ni Boy Abunda ang ‘power not to settle’. Wala naman daw magiging problema kung gusto nating itaas ang ating sarili.

‘You can improve but define yourself. You are okay. Don’t allow anyone to tell you you’re not, bullies have no right,’ pahayag pa ni Boy Abunda.
Source: Balita galing sa BALITA

Mukha lang akong wholesome –Erik Quizon

eric quizon

Masaya si Eric Quizon sa pagdidirihe sa cast ng Pasion de Amor, lalo na ang six main cast dahil bumagay sa role na kanilang ginagampanan. Kuwento niya, kasama sa 10 months na paghahanda ang paghahanap ng perfect cast na binubuo ng three sisters at three brothers.

“Kailangang mahulma ang mga pares na ‘yun,” sabi ni Direk Eric. “Na-challenge ako sa ganda ng project, very challenging ito dahil franchise ito at hahanapan ng semblance ang ginawa ng original. Continue reading »

Cesar Montano, rumored girlfriend spotted on ‘Ellen’ show

Actor Cesar Montano and rumored girlfriend Sandra Seifert have been reportedly seen in the audience of the American variety program “The Ellen DeGeneres Show” amid rumors about the latter’s pregnancy.

In a report by PEP.ph, a screen grab from the show’s May 26 episode showed Montano and former Miss Earth Philippines Seifert inside the show’s studio in California, clapping with other audience members as the nearby Ellen walked down the stairs.

The circulating photos revealed that Montano and Seifert were still in the United States after reportedly watching the “fight of the century” between Manny Pacquiao and Floyd Mayweather Jr. on May 2 in Las Vegas, Nevada.

The rumored couple …

Keep on reading: Cesar Montano, rumored girlfriend spotted on Ellen show
Source: Galing Sa Inquirer News feed

Walang karapatan ang isang anak na kuwestyunin ang pagmamahal ng kanyang ina –Marian Rivera

Marian Rivera

“NGAYONG magkaka-baby na ako, lalo kong minahal ang mama ko,” kuwento ni Marian Rivera, nang makausap namin sa kanyang launch as the new celebrity endorser ng Mario D”boro shoes, na ayaw na sanang ipasulat ni Marian, pero maganda ang mga sinabi niya.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na malaki ang respeto at pagmamahal ko sa mama ko.” Pero inamin ko na for a while, noong bata pa ako, hindi ko maialis na magtampo sa kanya nang iwanan niya ako para magtrabaho abroad, salamat at nariyan ang lola Iska ko na ipinaliwanag sa akin ang lahat kaya lumaki akong nagmamahal sa aking ina.” Hindi niya ako pinabayaan, umuuwi siya rito noon para dalawin ako.

“Kasi, ni katiting, wala talagang karapatan ang isang anak na kuwestyunin ang pagmamahal ng kanyang ina.” Nararanasan ko iyon ngayon, na-realize ko na ang hirap palang magbuntis.” Then, isisilang mo siya, palalakihin sa tamang asal, pagkatapos magkakaroon na siya ng sarili niyang buhay, kaya hindi talaga biro ang magbuntis at maging isang ina.”

Noon din lamang nakapagkuwento si Marian kung paano nila tinanggap ang balita after niyang magpa-check-up sa kanyang OB Gyne.

“Nang bumisita kami sa doctor ko, isang letter ang ibinigay sa akin.” ” Tinanong ko si Dong (Dingdong Dantes) kung bubuksan na namin. Sabi niya, sa bahay na lang.” ” Kaya nang dumating kami sa bahay, pagbukas sa letter, nandoon ang, “Positive! You”re pregnant!”” Lahat ng emosyon, naramdaman naming mag-asawa.” Kasi, hindi ba kahit gusto mong magkaanak, bibigyan ka kaagad.” Kaya salamat sa Panginoon, ibinigay Niya agad ang kahilingan naming mag-asawa.

“Kung nakaranas man ako ng hirap sa pagbubuntis, kinaya kong lahat iyon para sa aming magiging anak.” Inisip ko na lang, ganoon din ang tiniis ng mama ko nang ipinagbuntis niya ako.”

Ano ang pinaglihian niya? At pabirong tanong, saan ba nabuo ang baby, dahil one and half months lamang since ikasal sila ni Dingdong noong December 30, nabuntis na siya.

“Wala naman ako talagang pinaglihian, nahilig lang akong kumain ng mga white candies noon, pero ang tuwang-tuwa ako talagang tingnan at kurut-kurutin si Dong.” Secret na lang kung saan nagawa ang baby,” humahalakhak na pagtatapos ni Marian.
Source: Balita galing sa BALITA

Marian, gustong maranasan ang normal delivery

Marian Rivera

“KUMAIN lang po ako ng hamburger kaya lumaki ang tiyan ko,” pabirong sabi ni Marian Rivera nang pansinin ng entertainment press na may baby bump na siya.

Last Monday, humarap si Marian, kasama ang isa sa executives ng kanyang Triple A management, si Direk Mike Tuviera, sa renewal ng contract niya sa Maxi-Peel. Aniya, bago pa siya nag-artista at bago pa siya niligawan ni Dingdong Dantes, gumagamit na siya ng Maxi-Peel. Eight years nang endorser nito si Marian pero ngayong preggy na siya, puwede pa rin ba niya itong gamitin? Continue reading »